Litratong Pinoy : Tubig
Posted by kongkong622 on May 22, 2008
Awan libég a di aglitnáw.
(Ilokano Proverb)
There is no muddy water that doesn’t clear.
Ang tubig na maputik ay maaring ihantulad sa ugali ng tao. Ang siya ring ugali ay maari din namang mabago..kung mamarapatin lamang.
Ang mga litrato ay kuha sa palaisdaan sa Bacolor, Pampanga. Namimingwit ng tilapia at hito ang mga anak ko. Sa awa ng Dios…wala kaming nakuha.
Narito ang mga ibang lumahok sa Litratong Pinoy para sa linggong ito.



RoseLLe (Reflexex) said
yan ang gustong gusto ko…ang mangisda ‘fishing’. iba talaga ang kaligayahang hatid kapag ikaw ay may nahuli.
salamat sa iyong pagbisita sa’kin. maligayang araw sa iyo.
leah said
hello cookie! salamat sa dalaw mo.
happy huwebes sa iyo!
ettey said
alam mo sa totoo lang di ko pa na experience mag fishing, kaya inggit ako sa mga anak mo! maligayang huwebes sayo
julie said
Ahh, di bale, at least, happy sila. Magfishing din ang mga bata sa Ecopark bukas, meron yata dun. Sayang, wala mga anak ko.
Magandang Huwebes, Cookie.
lino said
ayos… magandang araw ng huwebes…
mirage2g said
Totoo ang kaakibat na akda para sa litrato. Mukhang napakasaya ng bata sana naman ay may nhuli sha! Gandang huwebes.
ZJ said
Di baleng walang nakuha, ganda naman ng smile ng tsikiting mo!
Dyes said
uh-oh… murky water = personality?
pero totoo nga ang ilokano proverb na lilinaw din ang lahat!
isama kita sa blogroll ko ha!
happy hwebes!
toni said
Pangingisda! Tagal ko na yang di nagagawa.
Mukhang enjoy na enjoy ang iyong anak.
Maligayang Huwebes!
Kaje said
masayang activity yan! lalo na kung may nahuli hehehehe…
Heart of Rachel said
Ok lang kahit wala silang nahuli basta nagenjoy sila ng todo.
thess said
ang cute naman nung fishinggirl ha ha! Type ko din ang intro mo na Ilocana, sana lagi mo gawin, para matuto kaming tagalog lang ang salita (ay, nag request pa eh, ano?
)
Happy Huwebes sa iyo Cookie!! (malapit sa puso ko ang Cookie, tawag ko yan sa aking kabiyak na arinola – husband ko ha ha) pasensha na, ang daldal ko ano?
mousey said
nagpintas dagiti ladawan mo!
naimbag nga aldaw mo nga awan labas na!
komski kuno said
parang bakuran lang na pinuno ng tubig ah, hehehe:) Never pa ako nakapamingwit ng isda, pero palaka oo, hehe, nung bata ako.
Munchkin Mommy said
hindi pa namin nasubukang mangisda. mukhang masaya!
happy weekend!
Waterfall
Fountains
lidsÜ said
hindi pa ako nakakapangisda
feeling ko mabobore ako, hindi ba? hehe!
magandang araw sa’yo!
raqgold said
hahaha, natawa naman ako sa huling sentence mo. yung pamilya ko rin nag pilit mag fishing sa anilao; ayun, naging raisins na yung mga kuko sa paa at kamay wala ring nahuli
Nina Lumberio said
Gusto namin ng hubby ko na mag-fishing pero hindi pa namin nasubukan
Lizeth said
hahaha natawa naman ako!
ang KYUT naman ng baby mo!!! sooo cute
:)
hindi ko pa natry magfishing!
Pinay in the US said
awwww ang cute naman!
Teys said
naalala ko tuloy nang mamingwit kami ng mga anak ko, sumama talaga ang loob ni kuya dahil di nakahuli. Naawa ang lola inutusan and caretaker na ikabit ang isda sa bingwit at ilubog sa tubig tapos binigay ang bingwit sa aking anak sabay hatak sa bagong huling isda
Hapi ending di ba! he he
Belle said
hi cookie, it is the fun that counts, okay lang kung walang huli. dito nga sa amin, binabalik ang huli, all they care is the thrill that comes with reeling the fish.